Recommended sites: December 2011 Nurse Licensure Examination (NLE) Results | www.prcpassers.com | www.boholweb.com | www.boholclassifiedads.com | www.auza.net

Bohol Election Results
Raise your ISEE and SSAT Scores! Click Here!

Categories

Links

‘Seneres’ Articles

“Mislang ilipat sa Truth Commission”


Ako’y naaawa na kay Malacanang Assistant Secretary Maria Carmen Mislang. Everyone here in the Philippines, including some respected columnists and senators has been ganging up on her. Kung ako ang tatay ng binibining ito, seguro pinagbabaril ko na ang mga nilalang na nanlalait sa kanya.

Don’t get me wrong. I am pro-life and anti RH bill kaya ayaw kong pumatay ng tao. Medyo galit lang ako lalo na sa mga kalalakihang bumabatikos kay Mislang bagama’t di ko personal na kakilala ang opisyal na ito. Mga guys, napaka un-gentlemanly niyo naman. Ano ba ang kasalanan ni Mislang? Nagsabi lang naman siya sa Twitter na pangit ang lasa ng wine na pina-inom sa kanila ng Pangulo ng Vietnam.

Malamang totoo ang sinabi ni Mislang dahil walang reaction ang Vietnam. Sa tingin ko ayaw ng palakihin ni Vietnamese President Nguyen Minh Triet ang bagay na ito dahil nakakahiya sa kanila. Malamang pinagsasabon na lang ni Triet ang mga alipores niya for serving “wine that sucks” to the heads of state and government ng Asean countries na dumalo sa idinaos niyang state banquet.

Bilang dating Ambassador, alam ko na mai-insulto at ma-aasar ang mga guests sa isang diplomatic function kapag ang wine na ini-serve ay kasing asim pa ng sukang Paombong o lasang pinag-langoyan ng ipis. It is possible the Vietnamese have learned a lesson from Mislang, and instead of getting mad about it, they are quietly smiling and thanking her about it.

To a certain extent, the truth that came out of the lips of Mislang must have set them free from future embarrassments. Kung ako kay PNoy, gagawin ko pa itong si Mislang na Commissioner ng Truth Commission for her penchant at telling the truth.

The Vietnamese, I believe are mature people. Di man lang din sila nag-react sa sinabi ni Mislang na wala siyang nakitang “pogi” na kahit isa man lang na Vietnamese. Hindi lang sila mature, mukhang may self-confidence din sila na sila’y mga beautiful people na may mga dilang mai-halintulad sa mga brand new cars na di basta-bastang kumakalampag, di tulad ng mga dila ng ilang Pinoy at Pinay na nagkakalampagan kaagad kapag may napansin na sa palagay nila ay di tama.

Ano kaya ang batayan ni Mislang kong ang isang lalaki ay pogi o hindi? Siyempre ang mga nagkakatibag na mga poging Pinoy. Kaya tayong mga Pinoy, are you reeeaady? All together now: Thank you at Ok ka lang Ms. Mislang!

Visit and join the OFW Family Club 1986 Taft Ave, Pasay City. Call 5267522. Email royseneres@yahoo.com, or text 09163490402. Magkaisa wag magpaisa!

Posted in Seneres | No Comments »

“Macapal, Inc.”

Ni Roy “AMBA” Señeres Ibang klaseng uri ng tao itong si Bro. Mike Velarde at ang mga kamag-anak at galamay na nakapaligid sa kaniya. Kamakailan lamang napag-alaman natin ang racket nila ng Full Article

Baliktad Na Hustisya

Ni Roy “AMBA” Señeres Sa nakaraan kong column, tinalakay ko ang issue ng “abuse of prerogative” ni Mrs. Gloria Arroyo, kung saan sinabi ka na pag-aabuso sa kanyang poder ang paglaktaw niya Full Article

 Page 2 of 2 « 1  2