Recommended sites: Money, Debit, Credit Cards | www.prcpassers.com | www.boholweb.com | www.boholclassifiedads.com | www.auza.net

Bohol Election Results
Raise your ISEE and SSAT Scores! Click Here!

Categories

Links

‘Seneres’ Articles

Memo to the New DFA Secretary


Nabasa ko po ang article ninyo sa Philippine Star noong Marso 7 na may pamagat na “Philippine Foreign Policy today.” Ako’y nababahala dahil ang sinasabi ninyong foreign policy “today” ay actually “yesterday” na kung ang pag-uusapan ay ang hierarchy of priority concerns ng DFA.

Bagama’t tama po kayo na tatlo nga ang pillars ng ating foreign policy na ayun sa Foreign Service Act of 1983 ay 1. Promoting national security; 2. Economic diplomacy; at 3. Protecting the rights and welfare of Filipinos overseas. Ang Section 27 ng Migrant Workers’ Act of 1995, ay maliwanag na naguutos na ang “top priority concern of the Secretary of Foreign Affairs and the Philippine Foreign Service is the protection and welfare of Filipinos overseas.”

Kaya mali po yung sinabi ninyo na ang “bedrock” ng Philippine Foreign Policy ay promoting national security na nakatuon sa ASEAN. Ang bedrock po today ng Philippine foreign policy ay OFWs na. Bagama’t importante rin naman ang furtherance of national security, hindi po naman yan day to day concern ng DFA dahil it usually involves a long and careful intelligence gathering and analysis of national security risks to the Philippines by our embassies overseas.

Hindi naman lahat ng bansa na mayroon tayong mga embahada ay maituring na national security risk sa Pilipinas tulad ng Brazil, Palau at marami pang iba. Kaya’t walang maraming trabaho ang mga embahada natin roon sa larangan ng national security.

Hindi rin naman day to day urgency ang economic diplomacy. Hindi tulad ng larangan ng protection of overseas Filipinos na bawat minuto ay may sinasalbaheng OFW. Mayroong binubugbog, di binabayaran ng sahod, ginagahasa, etc. Kaya Sir, ipinaguutos po ng batas na OFWs ang top priority concern nyo. Don’t commit the mistake of Alberto Romulo na kung anu-ano ang inatupag tulad ng non-proliferation of nuclear arms, law of the sea etc.

Walang infrastructure na ipinamana sa inyo si Romulo para sa protection and welfare of OFWs, kaya po kayo nangapa sa pagtulong sa mga OFWs sa Libya. Pati ung state visit ninyo ni P-Noy sa Indonesia at Singapore ay tila hilaw. Ang main agenda kasi ng meeting ni P-Noy at Susilo ng Indonesia ay “fighting transnational crimes” sa halip na ang 8000 OFWs roon. Dapat main agenda ang pasasalamat ni P-Noy sa Indonesians for hosting the OFWs and entrusting them to the care of President Susilo as the OFWs’ surrogate father, President and protector.

Join the OFW Family Club 1986 Taft Ave, Pasay City. Call 5267522. Email royseneres@yahoo.com, or text 09064405187.Magkaisa wag magpaisa!

Posted in Seneres | No Comments »

Mga Batayan Kung Dapat Sipain ang isang Ambassador o Hindi

Ni Roy “AMBA” Señeres Saludo ako sa ginawa ni P-Noy na pinapunta si VP Binay sa China para ipakiusap na ma-commute sa life sentence ang hatol na kamatayan para sa tatlong mga OFWs na nakapiit Full Article

Dalawang Burol, Dalawang Bata Ni Gloria

Ni Roy “AMBA” Señeres May mga ilang taon na ang nakaraan, pero naalaala ko pa yung dalawang magkahiwalay na burol na dinaluhan ko noon. Yung isa ay burol ni Justice Conrado Vasquez at ung isa Full Article

Malambot at Matigas

Ni Roy “AMBA” Señeres Ayon kay Gunnar Myrdal, author ng best selling na libro na may pamagat na “Asian Drama”, mayroong dalawang klaseng bansa sa mundo: ang”soft state” Full Article

Bayan, Di Pa Ba Ninyo Nahahalata?

Ni Roy “AMBA” Señeres May senate investigation ngayon tungkol sa pangungurakot diumano ni dating AFP Chief of Staff Angie Reyes. Pero ayon sa umaming magnanakaw na si retired Colonel George Full Article

Boy, Ibulgar Mo Na Si Gloria

Ni Roy “AMBA” Señeres Kahit sino pa ang itinilaga ni PNoy na chairman ng Comelec, tiyak may puputak din. Mahilig lang talaga tayong mga Pinoy na pumutak o makipag-debate sa bawat issue o bagay Full Article

“Ang Dalawang Nakatuhog Na Korea”

Ni Roy “AMBA” Señeres Mulat sapul alam ng mga foreign affairs analysts na di maaring magkaroon ng all-out war sa pagitan ng South at North Korea. Ang turing nila sa nasabing mga bansa ay Full Article

Halos Lahat Pala Tayo Corrupt

Ang akala ng karamihan ay ang mga tiwaling government officials lang tulad ng mga GMA (as in Ganid, Magnanakaw at Abusado) ang maituring nating mga corrupt. Hindi lang pala ganun ka-simple dahil Full Article

“Hindi siya GMA”

Ang kinagisnan kong pangulo ng Pilipinas ay si Ramon Magsaysay. Anim na taon ako noong 1953 nang marinig ko ang tatay at nanay ko na nagsasaya dahil nanalo ang ibinoto nilang si RM sa pagka pangulo. Full Article

“Okay ang VFA”

Ni Roy “AMBA” Señeres Dahil sa Visiting Forces Agreement libu-libong mga sundalong Amerikano ang pumaparito sa ating bansa sa loob ng isang taon. Dala-dala nila ang mga baon nilang mga dolyares Full Article

 Page 1 of 2  1  2 »